dcsimg

Reptilya ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

 src=
Ang mga reptil ay may mga itlog na amniotiko na may matigas o makatad na mga shell na nangangailangan ng panloob na pertilisasyon.

Ang mga Bayabag[1] o Reptil (Ingles: Reptile) ang mga kasapi ng klaseng Reptilia na binubuo ng mga amniota na mga hindi ibon o mamalya.[2] Ang mga amniota ang mga bertebrata na may itlog na may amnion na isang dobleng membrano na pumapayag sa embryo na epektibong makahinga sa lupain. Ang mga nabubuhay na reptil ay maitatangi mula sa ibang mga tetrapoda dahil ang mga ito ay may malamig na dugo gayundin ay may mga scute o mga kaliskis. Ang mga reptil ay lumitaw sa panahong Carboniferous mga 320 hanggang 310 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga ito ay nag-ebolb mula sa mas maunlad na Reptiliomorpha (na mga ampibyan na tulad ng mga reptil) na naging tumaas na umangkop sa buhay sa lupain. Mayroong maraming mga ekstinkt o hindi na umiiral na pangkat ng reptil kabilang ang mga dinosawro, pterosaur at mga pangkat pang-tubig gay ang mga ichthyosauro. Ang mga modernong reptil na nabubuhay sa kasalukuyan ay matatagpuan sa bawat kontinente ng daigdig maliban sa Antartiko.

Ang karamihan sa mga uri ng reptil ay nangingitlog pero may mga uri ng squamata na nagsisilang ng buhay na supling. Nagagawa ito sa pamamagitan ng obobibiparidad (pagkupkop ng itlog sa katawan), o bibiparidad (pagsilang ng hindi gumagamit ng kalsipikadong itlog). Marami sa mga bibiparong uri ay pinapakain ang kanilang mga petus sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng plasenta na katulad sa mga mamalya at inaalagaan ang mga anak. Ang laki ng mga nabubuhay na reptil ay mula sa Sphaerodactylus ariasae, na hanggang 1.6 cm (0.6 pulgada) hanggang sa Crocodylus porosus na maaaring umabot sa 6 m ang haba at bigat na lumalampas sa 1,000 kg. Ang pag-aaral ng mga reptil ay tinatawag na herpetolohiya. Ang apat na kasalukuyang nabubuhay na orden nito ang:

Bagaman ang mga ibon ay may scute sa mga paa nito at nangingitlog, ang mga ibon ay historikong hindi isinama sa mga reptil dahil ang mga ito ay may mainit na dugo. Kaya ang mga ibon ay hindi nakatala sa itaas. Gayunpaman, ang ilang mga reptil ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa ibang mga reptil. Ang mga buwaya ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa mga butiki. Ang mga manunulat ng kladistika na nagnanais ng isang mas nagkakaisang(monopiletikong) pagpapangkat ay minsang nagsasama ng mga ibon ng may higit sa 10,000 espesye. Ang mga reptil ay mga berterbratang tetrapoda na may apat na hita o tulad ng mga ahas na walang hita na nag-ebolb mula sa mga ninuno nitong may apat na hita. Hindi tulad ng mga amipbyan, ang mga reptil ay walang yugtong pangtubig sa larva. Sa tradisyonal, ang mga reptil ang isa sa tatlong mga klase ng amniota at ang iba pa ang mga mamalya at ibon. Sa gitnan ng ika-20 siglo, naging karaniwan na hatiin ang mga reptil sa apat na mga pangkat batay sa mga bukasan ng mga bungo nito. Gayunpaman, dahil ang mga reptil sa kahulugang tradisyonal ay mga ninuno ng parehong mga ibon at mamalya, maraming mga taksonomista ay mas kamakailang kumuha ng isang pakikitungong kladistiko na nagnanais na ipangkat ang mga hayop ng ekslusibong batay sa pinagsasaluhang ninuno kesa sa pinagsasaluhang mga katangian. Ang orientasyong ito ay nagtulak sa ilan na lisanin ang mga reptil bilang isang sistematikong unit o muling ilarawan ang mga reptil sa paraang kinabibilangan ng mga ibon.

Ebolusyon ng mga reptil

Pinagmulan

 src=
Isang sinaunang reptil na Hylonomus
 src=
Eksenang Mesosoiko na nagpapakita ng tipikal na reptilong megafauna: mga dinosauro kabilang Europasaurus holgeri, mga iguanodont at Archaeopteryx lithographica .

Ang mga reptil ay unang lumitaw sa panahong Carboniferous mga 320-310 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay nagmula sa mga masingaw na mga latian sa panahong Carboniferous nang ang mga unang reptil ay nag-ebolb mula sa mas maunlad na mga reptiliomorphang labyrinthodont.[3] Ang pinakamatandang alam na maaaring isang amniota o isang primitibong reptil kesa sa mas maunlad na ampibyan ang Casineria.[4][5] Ang sunod sunod na mga bakas ng paa mula sa fossil strata(mga patong ng bato) sa Nova Scotia na pinetsahan ng 315 milyong taon ang nakalilipas ay nagpapakita ng tipikal na mga daliri ng paang reptilyan at mga bakas ng mga kaliskis.[6] Ang mga bakas ng paang ito ay itinuturo sa Hylonomus na ang pinakamatandang hindi pinagdududahang alam na reptil.[7] It was a small, lizard-like animal, about 20 to 30 cm (8–12 in) long, with numerous sharp teeth indicating an insectivorous diet.[8] Ang ibang mga halimbawa ng reptil ay kinabibilangan ng Westlothiana (Sa ngayon ay itinuturing na reptiliomorph na ampibyan kesa sa isang totooong amniota[9] at ang Paleothyris na parehong may magkatulad na anyo ng katawan at ipinagpapalagay na may magkatulad ng mga kagawian.

Paglitaw ng mga reptil

Ang mga pinakaunang reptil ay malaking nasapawan ng mas malaking mga ampibyan ng gaya ng Cochleosaurus at ang mga ito ay nanatiling isang maliit at hindi mapapansing bahagi ng fauna hanggang sa Pagguho ng Ulang Gubat ng Carboniferous.[10] Ang biglaang pagguho na ito ay umapekto sa ilang malalaking mga pangkat. Ang mga ampibyan ay partikular na napinsala samantalang ang mga reptil ay nakapagpatuloy ng mas mabuti dahil ang mga ito ay nakaangkop sa sumunod na mas tuyong kondisyon. Ang mga ampibyan ay nangailangang bumalik sa katubigan upang mangitlog. Salungat dito, ang mga reptil na ang mga itlog ay nag-aangkin ng isang shell na pumapayag sa mga ito na mailagay sa lupain ay mas mahusay na nakaangkop sa mga bagong kondisyon. Ang mga reptil ay nagkamit ng mga bagong niche sa mas mabilis na rate kesa sa bago ang pagguho at sa isang higit na mas mabilis kesa sa mga ampibyan. Ang mga ito ay nakapag ebolb ng mga stratehiyang pang pagkain kabilang ang herbiboriya(pagkain ng halaman) at karniboriya(pagkain ng karne). Sa nakaraan, ang mga reptil ay tanging mga insektibora(kumakain ng insekto) at piscibora(kumakain ng isda).[10] Mula sa puntong ito at tuloy tuloy, ang mga reptil ay nanaig sa mga pamayanan at may mas malaking dibersidad kesa sa mga ampibyan. Ito ang naglatag ng mga kondisyon para sa Mesosoiko na kilala bilang ang 'Panahon ng mga Reptil'.[11] Ang isa sa pinakamahusay na alam na sinaunang reptil ang Mesosaurus na isang henus mula sa Simulang Permian na bumalik sa katubigan at kumakain ng mga isda.

Mga anapsida, synapsida, diapsida at sauropsida

 src=
A = Anapsid, B = Synapsid, C = Diapsid
 src=
Ang unang mga reptil ay may uring anapsida ng bubong ng bungo gaya ng makikita sa henus na lumitaw sa panahong Permian na Captorhinus

Ang mga sinaunang reptil ay nagpanatili ng bungong anapsid na namana ng mga ito sa mga ninuno nitong ampibyan.[12] Ang uri ng bungong ito ay may bubong ng bungo na tanging may mga butas para sa mga butas ng ilog at mga mata at isang matang pineal.[13] Ang mga hayop na ito ay pangkalahatang tinuturing na mga anapsida at bumubuo ng parapyletikong basikong stock kung saan ang ibang mga pangkat ay nag-ebolb mula dito.[14] Sa napaka sandaling panahon pagkatapos na lumitaw ang mga unang reptil, ang isang lipi(lineage) na tinatawag na synapsida ay humiwalay at inilalarawan ng isang temporal na bukasan sa bungo sa likod ng bawat mata upang magbigay ng lugar para sa paggalaw ng masel ng panga. Ang mga ito ang mga "tulad ng mamalyang reptil" na kalaunang nagpalitaw sa mga totoong mga mamalya.[15] Sa sandaling pagkatapos nito, ang isa pang pangkat ay nag-ebolb ng parehong katangian na sa pagkakataong ito ay may isang dobleng bukasan sa likod ng bawat mata na nagbigay sa mga ito ng pangalang diapsida("dalawang arko") .[12] Ang tungkulin ng mga butas sa mga pangkat na ito ay upang pagaanin ang bungo at magbigay ng lugar para makagalaw ang mga masel ng panga na pumayag sa mga ito na magkaroon ng isang mas malakas na pagkagat.[13] Ang mga diapsida at mga reptilong anapsida pabalik sa huling karaniwang ninuno ng mga diapsida at synapsida ay inuri bilang mga "totoong reptilong" sauropsida.[16] Ang mga pagong ay tradisyonal na pinaniniwalaang mga nagpatruloy na anapsidang reptilyan sa basehan ng istraktura ng bungo nito.[17] Ang mga dahilan para sa pag-uuring ito ay pinagtalunan na ang ilan ay nangatwiran ang mga pagong ay mga dipasida na bumalik sa primitibong estadong ito upang mapabuti ang armor ng mga ito(tingnan ang Parareptilia).[3] Ang mga kalaunang morpolohikal na mga pag-aaral pilohenetiko ay matibay na naglagay ng mga pagong sa loob ng diapsida.[18] Ang lahat ng mga pag-aaral pilohenetikang molekular ay malakas na kumukumpirma sa paglalagay ng mga pagong sa loob ng diapsida na pinakakaraniwan ay isang kapatid na pangkat sa mga arkosauro.[19][20][21][22]

Mga reptil ng panahong Permian

Sa pagsasara ng panahong Carboniferous, ang mga reptil ang nanaig na faunang tetrapoda. Bagaman ang mga pang-lupaing reptiliomorphang labyrinthodont ay umiiral pa rin sa panahong ito, ang mga synapsida ay nag-ebolb ng unang totoong panlupaing megafauna(malalaking mga hayop) sa anyo ng mga pelycosauro gaya ng Edaphosaurus at karniborosong Dimetrodon. Sa panahong Gitnang Permian, ang klima ay naging mas tuyo na nagresulta sa pagbabago sa fauna: ang mga pelycosauro ay napalitan ng mga therapsida.[23] Ang mga reptilong anapsida na ang mga malalaking bungo ay walang mga postorbital na butas ay patuloy na yumabong sa buong Permian. Ang mga pareiasauro ay umabot sa mga higanteng proporsiyon sa Huling Permian at kalaunan ay naglaho sa pagsasara ng panahong ito. Ang mga pagong ang mga posibleng nagpatuloy na pangkat nito.[23] Sa simula ng panahong ito, ang mga reptilong diapsida ay nahati sa dalawang mga pangunahing lipi, ang mga arkosauro(mga ninuno ng mga buwaya at dinosauro) at ang mga lepidosauro(mga predesesor ng mga modernong ahas, mga butiki at mga tuatara). Ang parehong pangkat na ito ay nanatiling tulad ng butiki at relatibong maliit at hindi mapapansin sa Permian.

Era na Mesosoiko, ang "Panahon ng mga Reptil"

Ang pagsasaraw ng panahong Permian ay nakakita ng pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa na kilala bilang pangyayaring ekstinksiyon na Permian-Triassic na isang tumagal na pangyayari sanhi ng pagtitipon ng hindi bababa sa mga natatanging pulsong ekstinksiyon[24] Ang karamihan ng mas naunang anapsida/synapsidang megafauna ay naglaho at napalitan ng mga diapsidang arkosauromorph. Ang mga arkosauro ay inilalarawan ng mahabang mga likurang hita at tindig na patayo na ang mga sinaunang anyo nito ay medyo mukhang mga may mahabang hitang buwaya. Ang mga arkosauro ang nanaig na pangkat sa panahong Triasiko bagaman tumagal ng 30 milyong mga taon bago ang dibersidad ng mga ito ay naging kasing laki ng mga hayop na nabuhay sa Permian.[24] Ang mga arkosauro ay nag-ebolb sa mga dinosauro at pterosaur gayundin sa mga buwaya at phytosauro. Ang ilang mga dinosauro ay nag-ebolb sa mga pinakamalaking pang-lupaing hayop na kailanman nabuhay na gumawa sa era na Mesosoiko bilang ang "Panahon ng mga Reptil". Ang mga dinosauro ay nag-ebolb rin sa mga maliliit na anyo kabilang ang may balahibo(feathers) na mga theropoda. Sa panahong Gitnang Jurassic, ang mga dinosauro ay nag-ebolb sa mga unang ibon.[23] Ang mga diapsidang lepidosauromorph ay maaaring ninuo ng mga dagat pagong.[25] Ang mga reptilong ito ay nag-ebolb sa sauropterygian sa panahong Simulang Triasiko at sa mga ichtyhosauro sa panahong Gitnang Triasikio. Ang mga mosasauro ay nag-ebolb rin sa era na Mesosoiko at lumitaw sa panahong Kretaseyoso. Ang mga therapsida ay sumailalim sa papataas na presyur mula sa mga dinosauro sa Simulang Mesosoiko at nag-ebolb sa mas maliit at mas pang-gabing mga anyo. Ang mga mamalya ang tanging mga nagpatuloy na inapo ng therapsida sa Huling Kretaseyoso.

 src=
Ang megalania ay isang higanteng karniborosang goanna na marahil ay kasing haba ng 7 metro at tumitimbang ng hanggang 1,940 kilogramo.[26] Maaring naenkwento ng mga sinaunang tao sa Australia ang reptilong ito.

Era na Cenosoiko

Ang pagsasara ng panahong Kretaseyoso ay nakakita ng pagkamatay ng megafaunang reptilyan sa era na Mesosoiko sa pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene. Sa mga malalaking pang-dagat ng reptil, tanging ang mga dagat pagong ang natira at sa mga hindi pang-dagat ng reptil, tanging ang mga semi-akwatikong buwaya at ang katulad na Champsosaurus ay nakaligtas sa ekstinksiyon. Ang huli ay naging ekstinkt sa panahong Mioseno.[27] Sa madaming bilang ng mga dinosaurong nanaig sa Mesosoiko, tanging ang mga maliit na may balahibong ibon ang nakapagpatuloy. Ang dramatikong paternong ekstinksiyong ito sa wakas ng "Panahon ng mga Reptil" ay tumungo sa "Panahon ng mga Mamalya". Ang mga mamalya at ibon ay pumuno ng mga walang laman ng niche na naiwan ng megafaunang reptilyan at bagaman ang dibersipikasyon ay bumagal, ang dibersipikasyon ng mamalya at ibon ay naging eksponensiyal.[11] Pagkatapos ng ekstinksiyon ng karamihan ng mga linya ng arkosauro at pang-dagat na reptil sa wakas ng Kretaseyoso, ang dibersipikasyon ng reptil ay nagpatuloy sa buong Cenosoiko na ang mga squamata ay sumailalim sa isang malaking radiasyong pag-aankop kesa sa nangyari sa mga Mesosoiko. Sa ngayon, ang mga squamata ang bumubuo ng karamihan ng mga nabubuhay na reptil (> 95%) na ang karamihan espesye ang mga butiki.[28] May tinatayang 9,500 na mga nabubuhay na espesye ng reptil[28] kumpara sa malapit sa 5,500 espesye ng mga mamalyang nabubuhay ngayon(hindi kasama ang mga domestikadong espesye).[29]

Taksonomiya

Klasipikasyon ayon kay Benton, 2005.[30][note 1]

Piloheniya

Ang pinapakitang kladogramo rito ay nagpapakita ng "puno ng pamilya" ng mga reptil at sumusunod sa isang pinasimpleng bersiyon ng mga relasyon na natuklasan nina Laurin at Gauthier (1996) na itinanghal bilang bahagi ng Tree of Life Web Project,[31] with information on the relationships of the most primitive reptiles after Muller and Reisz (2006).[32][note 1]

Amniota

Synapsida


Reptilia unnamed Anapsida (=Parareptilia)

Mesosauridae


unnamed

Millerettidae


unnamed

Lanthanosuchidae


unnamed

Nyctiphruretia


unnamed

Pareiasauria



Procolophonoidea




?Testudines (mga pagong, tortoise, at terrapin)






Eureptilia

Captorhinidae


Romeriida

Protorothyrididae


Diapsida

Araeoscelidia


unnamed

Younginiformes


Sauria

?Ichthyosauria



?Sauropterygia



Lepidosauromorpha (mga butiki, ahas, tuatara at mga ekstinkt na kamag-anak nito)



Archosauromorpha (mga buwaya, ibon at mga ekstinkt na kamag-anak nito )










  1. 1.0 1.1 Ang taksonomiya/piloheniyang ito ay hindi nagrereplekta sa modernong ebidensiyang molekular na naglalagay ng mga pagong sa loob ng diapsida.

Mga sanggunian

  1. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.
  2. Padron:RefTudgeVariety
  3. 3.0 3.1 Laurin, M.; Reisz, R. R. (1995). "A reevaluation of early amniote phylogeny". Zoological Journal of the Linnean Society. 113 (2): 165–223. doi:10.1111/j.1096-3642.1995.tb00932.x. (abstract)
  4. R. L. Paton, T. R. Smithson and J. A. Clack, "An amniote-like skeleton from the Early Carboniferous of Scotland", (abstract), [[Nature (journal)|]] 398, 508-513 (8 April 1999)
  5. Monastersky, R. (1999): Out of the Swamps, How early vertebrates established a foothold—with all 10 toes—on land. Science News, Vol. 155, No. 21, p. 328. article
  6. Falcon-Lang, H.J., Benton, M.J. & Stimson, M. (2007): Ecology of early reptiles inferred from Lower Pennsylvanian trackways. Journal of the Geological Society, London, 164; no. 6; pp 1113-1118. article
  7. "Earliest Evidence For Reptiles". Sflorg.com. 2007-10-17. Nakuha noong 2010-03-16.
  8. Palmer, D., pat. (1999). The Marshall Illustrated Encyclopedia of Dinosaurs and Prehistoric Animals. London: Marshall Editions. p. 62. ISBN 1-84028-152-9.
  9. Ruta, M.; Coates, M.I. & Quicke, D.L.J. (2003): Early tetrapod relationships revisited. Biological Review no 78: pp 251-345.PDF
  10. 10.0 10.1 Sahney, S., Benton, M.J. & Falcon-Lang, H.J. (2010). "Rainforest collapse triggered Pennsylvanian tetrapod diversification in Euramerica" (PDF). Geology. 38 (12): 1079–1082. doi:10.1130/G31182.1.CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  11. 11.0 11.1 Sahney, S., Benton, M.J. and Ferry, P.A. (2010). "Links between global taxonomic diversity, ecological diversity and the expansion of vertebrates on land" (PDF). Biology Letters. 6 (4): 544–547. doi:10.1098/rsbl.2009.1024. PMC 2936204. PMID 20106856.CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  12. 12.0 12.1 Coven, R (2000): History of Life. Blackwell science, Oxford, UK. p 154 from Google Books
  13. 13.0 13.1 Romer, A.S. & T.S. Parsons. 1977. The Vertebrate Body. 5th ed. Saunders, Philadelphia. (6th ed. 1985)
  14. Modesto, S.P.; Anderson, J.S. (2004). "The phylogenetic definition of Reptilia". Systematic Biology. 53 (5): 815–821. doi:10.1080/10635150490503026. PMID 15545258.
  15. van Tuninen, M. & Hadly, E.A. (2004): Error in Estimation of Rate and Time Inferred from the Early Amniote Fossil Record and Avian Molecular Clocks. Journal of Mulecular Biology, no 59: pp 267-276 PDF
  16. Goodrich, E.S. (1916). "On the classification of the Reptilia". Proceedings of the Royal Society of London. 89B (615): 261–276. doi:10.1098/rspb.1916.0012.
  17. Benton, M. J. (2000). Vertebrate Paleontology (2nd edisyon). London: Blackwell Science Ltd. ISBN 0-632-05614-2., 3rd ed. 2004 ISBN 0-632-05637-1
  18. Rieppel O, DeBraga M (1996). "Turtles as diapsid reptiles". Nature. 384 (6608): 453–5. doi:10.1038/384453a0.
  19. Zardoya, R.; Meyer, A. (1998). "Complete mitochondrial genome suggests diapsid affinities of turtles". Proc Natl Acad Sci U S A. 95 (24): 14226–14231. doi:10.1073/pnas.95.24.14226. ISSN 0027-8424. PMC 24355. PMID 9826682.
  20. Iwabe, N.; Hara, Y.; Kumazawa, Y.; Shibamoto, K.; Saito, Y.; Miyata, T.; Katoh, K. (2004-12-29). "Sister group relationship of turtles to the bird-crocodilian clade revealed by nuclear DNA-coded proteins". Molecular Biology and Evolution. 22 (4): 810–813. doi:10.1093/molbev/msi075. PMID 15625185. Nakuha noong 2010-12-31.CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  21. Roos, Jonas; Aggarwal, Ramesh K.; Janke, Axel (Nov. 2007). "Extended mitogenomic phylogenetic analyses yield new insight into crocodylian evolution and their survival of the Cretaceous–Tertiary boundary". Molecular Phylogenetics and Evolution. 45 (2): 663–673. doi:10.1016/j.ympev.2007.06.018. PMID 17719245. Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  22. Katsu, Y.; Braun, E. L.; Guillette, L. J. Jr.; Iguchi, T.; Guillette (2010-03-17). "From reptilian phylogenomics to reptilian genomes: analyses of c-Jun and DJ-1 proto-oncogenes". Cytogenetic and Genome Research. 127 (2–4): 79–93. doi:10.1159/000297715. PMID 20234127.CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 Colbert, E.H. & Morales, M. (2001): Colbert's Evolution of the Vertebrates: A History of the Backboned Animals Through Time. 4th edition. John Wiley & Sons, Inc, New York — ISBN 978-0-471-38461-8.
  24. 24.0 24.1 Sahney, S. and Benton, M.J. (2008). "Recovery from the most profound mass extinction of all time" (PDF). Proceedings of the Royal Society: Biological. 275 (1636): 759–65. doi:10.1098/rspb.2007.1370. PMC 2596898. PMID 18198148.CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  25. Gauthier J. A. (1994): The diversification of the amniotes. In: D. R. Prothero and R. M. Schoch (ed.) Major Features of Vertebrate Evolution: 129-159. Knoxville, Tennessee: The Paleontological Society.
  26. Molnar, Ralph E. (2004). Dragons in the dust: the paleobiology of the giant monitor lizard Megalania. Bloomington: Indiana University Press. ISBN 0-253-34374-7.
  27. Evans, Susan E.; and Klembara, Jozef (2005). "A choristoderan reptile (Reptilia: Diapsida) from the Lower Miocene of northwest Bohemia (Czech Republic)". Journal of Vertebrate Paleontology. 25 (1): 171–184. doi:10.1671/0272-4634(2005)025[0171:ACRRDF]2.0.CO;2. ISSN 0272-4634.
  28. 28.0 28.1 "The Reptile Database". Nakuha noong 9 Jan 2012.
  29. "Numbers of threatened species by major groups of organisms (1996–2010)" (PDF). IUCN Red List, 2010. IUCN. Nakuha noong 3 June 2012.
  30. Benton, Michael J. (2005). Vertebrate Palaeontology (3rd edisyon). Oxford: Blackwell Science Ltd. ISBN 0-632-05637-1.
  31. Laurin, M. and Gauthier, J.A. (1996). "Amniota. Mammals, reptiles (turtles, lizards, Sphenodon, crocodiles, birds) and their extinct relatives." Version 1 January 1996. http://tolweb.org/Amniota/14990/1996.01.01 in The Tree of Life Web Project, http://tolweb.org/
  32. Muller, J. and Reisz, R.R. (2006). "The phylogeny of early eureptiles: Comparing parsimony and Bayesian approaches in the investigation of a basal fossil clade." Systematic Biology, 55(3):503-511. doi:10.1080/10635150600755396
license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Reptilya: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
 src= Ang mga reptil ay may mga itlog na amniotiko na may matigas o makatad na mga shell na nangangailangan ng panloob na pertilisasyon.

Ang mga Bayabag o Reptil (Ingles: Reptile) ang mga kasapi ng klaseng Reptilia na binubuo ng mga amniota na mga hindi ibon o mamalya. Ang mga amniota ang mga bertebrata na may itlog na may amnion na isang dobleng membrano na pumapayag sa embryo na epektibong makahinga sa lupain. Ang mga nabubuhay na reptil ay maitatangi mula sa ibang mga tetrapoda dahil ang mga ito ay may malamig na dugo gayundin ay may mga scute o mga kaliskis. Ang mga reptil ay lumitaw sa panahong Carboniferous mga 320 hanggang 310 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga ito ay nag-ebolb mula sa mas maunlad na Reptiliomorpha (na mga ampibyan na tulad ng mga reptil) na naging tumaas na umangkop sa buhay sa lupain. Mayroong maraming mga ekstinkt o hindi na umiiral na pangkat ng reptil kabilang ang mga dinosawro, pterosaur at mga pangkat pang-tubig gay ang mga ichthyosauro. Ang mga modernong reptil na nabubuhay sa kasalukuyan ay matatagpuan sa bawat kontinente ng daigdig maliban sa Antartiko.

Ang karamihan sa mga uri ng reptil ay nangingitlog pero may mga uri ng squamata na nagsisilang ng buhay na supling. Nagagawa ito sa pamamagitan ng obobibiparidad (pagkupkop ng itlog sa katawan), o bibiparidad (pagsilang ng hindi gumagamit ng kalsipikadong itlog). Marami sa mga bibiparong uri ay pinapakain ang kanilang mga petus sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng plasenta na katulad sa mga mamalya at inaalagaan ang mga anak. Ang laki ng mga nabubuhay na reptil ay mula sa Sphaerodactylus ariasae, na hanggang 1.6 cm (0.6 pulgada) hanggang sa Crocodylus porosus na maaaring umabot sa 6 m ang haba at bigat na lumalampas sa 1,000 kg. Ang pag-aaral ng mga reptil ay tinatawag na herpetolohiya. Ang apat na kasalukuyang nabubuhay na orden nito ang:

Crocodilia, mga buwaya: 23 espesye Sphenodontia, ang (tuatara mula sa Bagong Selanda): 2 espesye Squamata, mga butiki at ahas: tinatayang mga 9,100 espesye Testudines, mga pagong: higit sa 300 espesye

Bagaman ang mga ibon ay may scute sa mga paa nito at nangingitlog, ang mga ibon ay historikong hindi isinama sa mga reptil dahil ang mga ito ay may mainit na dugo. Kaya ang mga ibon ay hindi nakatala sa itaas. Gayunpaman, ang ilang mga reptil ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa ibang mga reptil. Ang mga buwaya ay mas malapit na nauugnay sa mga ibon kesa sa mga butiki. Ang mga manunulat ng kladistika na nagnanais ng isang mas nagkakaisang(monopiletikong) pagpapangkat ay minsang nagsasama ng mga ibon ng may higit sa 10,000 espesye. Ang mga reptil ay mga berterbratang tetrapoda na may apat na hita o tulad ng mga ahas na walang hita na nag-ebolb mula sa mga ninuno nitong may apat na hita. Hindi tulad ng mga amipbyan, ang mga reptil ay walang yugtong pangtubig sa larva. Sa tradisyonal, ang mga reptil ang isa sa tatlong mga klase ng amniota at ang iba pa ang mga mamalya at ibon. Sa gitnan ng ika-20 siglo, naging karaniwan na hatiin ang mga reptil sa apat na mga pangkat batay sa mga bukasan ng mga bungo nito. Gayunpaman, dahil ang mga reptil sa kahulugang tradisyonal ay mga ninuno ng parehong mga ibon at mamalya, maraming mga taksonomista ay mas kamakailang kumuha ng isang pakikitungong kladistiko na nagnanais na ipangkat ang mga hayop ng ekslusibong batay sa pinagsasaluhang ninuno kesa sa pinagsasaluhang mga katangian. Ang orientasyong ito ay nagtulak sa ilan na lisanin ang mga reptil bilang isang sistematikong unit o muling ilarawan ang mga reptil sa paraang kinabibilangan ng mga ibon.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia