dcsimg

Baboy ( Tagalo )

fornecido por wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang Baboy (paglilinaw).

Ang mga baboy ay mga ungulado (hayop na may kuko o hoof) na nasa Klaseng Mamalya. Likas sa Eurasia, sama-sama silang nakapangkat sa genus Sus ang pamilyang Suidae. Maliban sa reputasyon nila sa pagiging matakaw at marumi, isang hindi gaanong kilalang katangian ng baboy ang katalinuhan. Ayon sa mga experto, sila ay mas magaling pa sa mga aso pagdating sa katalinuhan. Ninuno ng mga domestikadong baboy ang mga baboy-ramo.[2]

Ang biik, kulig, buwik o bulaw ay isang uri ng bata o sanggol at sumususo pang anak ng inahing baboy. Bagaman tumutukoy ang bulaw sa paglalarawan ng mamula-mula o mala-gintong kulay na biik (at ginagamit din para sa tandang na manok).[3]

Tinatawag na barakong baboy ang isang lalaking baboy na nasa hustong gulang na. Samantalang inahing baboy naman ang babaeng nasa tamang edad na.[3]

Ang mga baboy ay ang pangunahing karne na kinakain nang mga tao. Dahil dito, maraming babuyan ang itinatag.

Katangian

Ang isang baboy ay karaniwang malaki ang ulo, na may mahabang nguso na pinatatag ng isang espesyal na buto malapit sa ilong (prenasal bone) at may isang disko na kartilago sa dulo nito. Ang nguso ay ginagamit para hukayin ang lupa para mag-hanap ng pagkain at ito ay isang matalas na bahaging pang-amoy. Ang bilang ng ngipin nito at apatnaput-apat. Ang mga ngipin sa likod ay pan-durog ng pag-kain. Sa lalaki ang ngiping-harapan ay maaring maging pangil, na patuloy na lumalago at tumulis sa pamamagitan ng patuloy na pag-giling sa isa't isa.

May apat na paa na may kuko, at ang dalawang daliri sa harapan nito ay mas-mahaba at ang mga daliri na ito ang laging nakadikit sa lupa.

Hindi gaanong mabalahibo ang karamihan sa mga baboy, ngunit may mga uri ng baboy gaya ng Mangalitsa na balbunin din. Dahil hindi gaanong mabalahibo ang baboy, di gaanong makapag-pawis ang mga baboy dahil wala silang glandula ng pawis na naglalabas ng init. Kung mainit ang panahon, naglulublob sa putik o tubig ang mga baboy.

Pinagmulan ng domestikong baboy

Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga baboy ay dinomestika mula sa baboy ramo noong mga 13,000–12,700 BCE sa Malapit na Silangan sa Tigris Basin[4].[5] [6] May isa ring hiwalay na domestikasyon ng mga baboy sa Tsina noon mga 8000 taong nakakaraan.[7][8]

Ang ebidensiya ng DNA mula sa mga fossil ng mga ngipin at mga panga ng mga neolotikong baboy ay nagpapakitang ang mga unang domestikadong baboy sa Europa ay dinala mula sa Malapit na Silangan. Ito ang nagtulak sa domestikasyon ng lokal na mga baboy ramo na nagresulta sa ikatlong pangyayaring domestikasyon na ang mga gene ng mga baboy ng Malapit na Silangan ay nawala sa mga baboy na Europeo. [9][10] Ang mga historikal record ay nagpapakitang ang mga Asyanong baboy ay ipinakilala sa Europa noong ika-18 hanggang ika-19 siglo. Ang mga baboy ay dinala sa timog silangang Hilagang Amerika mula sa Europa nina de Soto at ibang mga eksplorador na Espanyol.

Mga sanggunian

  1. Zoological Journal of the Linnean Society (1997), 120: 163–191.
  2. Seward, Liz (Setyembre 2007). "Pig DNA reveals farming history". BBC News. Nakuha noong 2008-06-18.
  3. 3.0 3.1 "Baboy, barakong baboy, inahing baboy, swine, hog, boar; biik, kulig, buwik, bulaw". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990., pahina 101-102 atbp.
  4. *Sarah M. Nelson Ancestors for the Pigs. Pigs in prehistory. (1998)
  5. Rosenberg M, Nesbitt R, Redding RW, Peasnall BL (1998). Hallan Çemi, pig husbandry, and post-Pleistocene adaptations along the Taurus-Zagros Arc (Turkey). Paleorient, 24(1):25–41.
  6. Vigne, JD; Zazzo, A; Saliège, JF; Poplin, F; Guilaine, J; Simmons, A (2009). "Pre-Neolithic wild boar management and introduction to Cyprus more than 11,400 years ago". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 106 (38): 16135–8. doi:10.1073/pnas.0905015106. PMC 2752532. PMID 19706455.
  7. Giuffra, E; Kijas, JM; Amarger, V; Carlborg, O; Jeon, JT; Andersson, L (2000). "The origin of the domestic pig: independent domestication and subsequent introgression". Genetics. 154 (4): 1785–91. PMC 1461048. PMID 10747069.
  8. Jean-Denis Vigne, Anne Tresset and Jean-Pierre Digard (July 3, 2012). History of domestication (PDF) (Speech).
  9. BBC News, "Pig DNA reveals farming history" 4 September 2007. The report concerns an article in the journal PNAS
  10. Larson, G; Albarella, U; Dobney, K; Rowley-Conwy, P; Schibler, J; Tresset, A; Vigne, JD; Edwards, CJ; Schlumbaum, A (2007). "Ancient DNA, pig domestication, and the spread of the Neolithic into Europe". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 104 (39): 15276–81. doi:10.1073/pnas.0703411104. PMC 1976408. PMID 17855556.


Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

licença
cc-by-sa-3.0
direitos autorais
Mga may-akda at editor ng Wikipedia
original
visite a fonte
site do parceiro
wikipedia emerging languages

Baboy: Brief Summary ( Tagalo )

fornecido por wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang Baboy (paglilinaw).

Ang mga baboy ay mga ungulado (hayop na may kuko o hoof) na nasa Klaseng Mamalya. Likas sa Eurasia, sama-sama silang nakapangkat sa genus Sus ang pamilyang Suidae. Maliban sa reputasyon nila sa pagiging matakaw at marumi, isang hindi gaanong kilalang katangian ng baboy ang katalinuhan. Ayon sa mga experto, sila ay mas magaling pa sa mga aso pagdating sa katalinuhan. Ninuno ng mga domestikadong baboy ang mga baboy-ramo.

Ang biik, kulig, buwik o bulaw ay isang uri ng bata o sanggol at sumususo pang anak ng inahing baboy. Bagaman tumutukoy ang bulaw sa paglalarawan ng mamula-mula o mala-gintong kulay na biik (at ginagamit din para sa tandang na manok).

Tinatawag na barakong baboy ang isang lalaking baboy na nasa hustong gulang na. Samantalang inahing baboy naman ang babaeng nasa tamang edad na.

Ang mga baboy ay ang pangunahing karne na kinakain nang mga tao. Dahil dito, maraming babuyan ang itinatag.

licença
cc-by-sa-3.0
direitos autorais
Mga may-akda at editor ng Wikipedia
original
visite a fonte
site do parceiro
wikipedia emerging languages