Ang walrus (Odobenus rosmarus) ay isang malaking mamalyang pantubig na may mga palikpik na kabilang sa pamilyang Odobenidae. Kasama sa mga pamilyang ito ang walrus ng Atlantiko (O. rosmarus rosmarus), ng Pasipiko (O. rosmarus divergens) at ng Dagat Laptev (O. rosmarus laptevi).
Mayroong mga pangil (Ingles: tusk), bigote (Ingles: whisker), at malaking mabigat na pangangatawan ang mga walrus.[2] Makapal, matibay, at makulubot ang kanilang mga balat na halos walang balahibo.[3]
Nabubuhay ang mga karniborong ito sa karagatan ng Artiko, malapit sa mga baybayin ng Hilagang Amerika at Hilagang-silangan ng Siberia. Umaabot ang mga ito sa habang 8 hanggang 12 piye at bumibigat hanggang 3,000 libra.[3] Mas nahihigitan lamang sila sa laki ng mga elephant seal.[4]