dcsimg

Cacahuanāntli ( Nahuatl )

provided by wikipedia emerging languages

Cacahuanāntli (gliricidia sepium).

Nō xiquitta

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Wikipedia authors and editors

Kakawate ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang kakawate[2] (mula sa katutubong salitang Mehikanong cacahuate; Ingles: Gliricidia, Mexican lilac, mother of cocoa, Nicaraguan cacao shade, quickstick, St. Vincent plum, at tree of iron[1]) ay isang uri ng puno na karaniwang itinatanim bilang palamuti. Ginagamit itong silungan o pananggalang sa labis na sikat ng araw para sa mga punong kakaw. Ginagamit din ito bilang haligi ng maliit na bahay, hawakan ng mga kagamitang pangkamay, panggatong, at bakod. Dahil nga nagiging pananggalang ng kakaw, tinatawag din itong madre kakaw, madre de kakaw, madre ng kakaw (o ina ng kakaw), marikakaw, madrekako, marikadaw, at marikadaw. Dagdag pang katawagan dito ang apatot, balok-balok, kakwate, at kukuwatit.[1] Sa Sulu, tinatawag itong mandiri kakaw. Sa agham, kilala ito bilang Gliricidia sepium o Robinia sepium. Kabilang sa iba pang katawagang pang-agham nito ang Gliricidia maculata, Galedupa pungam, Milletia luzoniensis, at Milletia splendidissima.

Sa panggagamot

Ginagamit itong nakaugaliang gamot laban sa galis-aso sa tao (Ingles: scabies) .[3] Kabilang sa iba pang gamit ng kakawate ang panlunas sa pangangati at pamamantal ng balat kung saan ipinapahid ang katas mula sa mga dahon, balat ng puno, o ugat; bilang pambugaw ng mga lamok kung saan inilalagay ang sariwang dahon sa balat; panlaban sa rayuma, saradong pagkabali ng buto, at pagkakaroon ng pilay (na tinatawag ding bati o balinganga) kung saan dinudurog o pinipisa ang mga dahon at ginagamit na panapal; at bilang pampagaling at panghilom ng mga sugat kung saan ginagamit ang mga dagta ng balat ng puno, dahon at ugat nito.[4]

Mayroon din itong katangian panlaban sa mga fungus, pampalabas ng plem, pampakalma, panlanggas o pampalabas ng nana, lunas sa alopecia, beke, gasgas sa balat, paso, sipon, panghihina, erysipelas, lagnat, gangrene, sakit ng ulo, pangangati ng balat, tumor ng balat, mga ulser, urticaria, at iba pang sakit sa balat.[5]

Paggagamot ng galis-aso

Ito ang mga kailangan sa paghahanda ng gamot sa galis-asong ginagamitan ng kakawate: apat na puting mga kandila (tinatawag na esperma), langis ng niyog o anumang mantika (550 cc; mga dalawang baso), at mga dahon ng kakawate (250 g; mga isang baso). Nililinis muna ng lubos ang mga dahon ng kakawate at hinihiwa ng husto at pino. Idinadagdag ang mga dahon sa langis o mantika. Hinahalo ito habang pinapakuluan. Nililikom ang mga dahon sa ibabaw ng langis o mantika, saka sinasala pagkaraan. Kinukuha ang apat na puting mga kandila at tinatadtad ng pino. Idinadagdag ang mga pininong kandila sa pinakuluang mga sangkap, hinahalo ang lahat hanggang sa matunaw ang mga kandila. Sa mag-uli, habang ginagamitan ng panala, sinasala ang lahat at inililipat sa isang malinis na lalagyang babasaging yari sa salamin. Pinalalamig muna ito bago gamitin.[3]

Bilang pagkain

Sa tao

Sinasabing maaaring kainin ang bulaklak kapag pinirito.[5]

Sa hayop

Sinasabing mayaman sa protina ang mga dahon ng kakawate at madaling matunaw sa tiyan. Mababa ito sa tannin at pibra o himaymay. Bilang pagkain ng hayop, nakapagdudulot ito ng paglakas ng produksiyon ng gatas at karneng mula sa hayop. Sa mga kambing, nakakitaan ang pagpapakain nito ng pagdaragdag ng timbang ng katawan ng hayop. Nagagamit itong pakain sa hayop tuwing panahon ng tag-tuyot. Nakabibighani sa mga bubuyog (partikular na ang Apis spp.) ang mga bulaklak ng kakawate kung kaya't isa itong mahalagang halaman sa paggawa ng pulut-pukyutan.[5]

Pagkalason

Bagaman nagagamit bilang pakain sa mga hayop, may ilang mga hayop na nalalason sa pagkain ng kakawate. Nakalalason sa mga tao ang mga dahon, buto, at mga pinulbos na mga balat ng puno kapag hinalo sa sinaing o lutong bigas, mais, at kapag nagdaan sa permentasyon o pagbubulok. Hindi pa natitiyak kung bakit nagiging nakalalason ang kakawate sa ganitong mga anyo at paraan, subalit dahil dito, nagagamit ang kakawate bilang lason laban sa mga daga at iba pang mga pesteng hayop.[5]

Sanggunian

Talababa

  1. 1.0 1.1 1.2 Agroforestry Database, mula sa World Agroforestry Centre, Agroforestry.net
  2. "Kakawate". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
  3. 3.0 3.1 Stuart, Godofredo. "Kakawate," Preparation for scabies treatment, Philippine Medicinal Plants, StuartXchange.org
  4. "Kakawate," Gamot Pinoy, GlobalPinoy.com
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Kakawate," Filipino Herbs Healing Wonders, Philippine Medicinal Plants Healing Wonders, Collection of Philippine Medicinal Herbs and Plants Photos, FilipinoVegetarianRecipe.com

Bibliyograpiya

Panlabas na kawing

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Kakawate: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang kakawate (mula sa katutubong salitang Mehikanong cacahuate; Ingles: Gliricidia, Mexican lilac, mother of cocoa, Nicaraguan cacao shade, quickstick, St. Vincent plum, at tree of iron) ay isang uri ng puno na karaniwang itinatanim bilang palamuti. Ginagamit itong silungan o pananggalang sa labis na sikat ng araw para sa mga punong kakaw. Ginagamit din ito bilang haligi ng maliit na bahay, hawakan ng mga kagamitang pangkamay, panggatong, at bakod. Dahil nga nagiging pananggalang ng kakaw, tinatawag din itong madre kakaw, madre de kakaw, madre ng kakaw (o ina ng kakaw), marikakaw, madrekako, marikadaw, at marikadaw. Dagdag pang katawagan dito ang apatot, balok-balok, kakwate, at kukuwatit. Sa Sulu, tinatawag itong mandiri kakaw. Sa agham, kilala ito bilang Gliricidia sepium o Robinia sepium. Kabilang sa iba pang katawagang pang-agham nito ang Gliricidia maculata, Galedupa pungam, Milletia luzoniensis, at Milletia splendidissima.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Klérésédhé ( Javanese )

provided by wikipedia emerging languages

Klérésédhé (Gliricidia sepium) ya iku tuwuhan wujud perdu saka jinis polong-polongan (suku Fabaceae alias Leguminosae). Tuwuhan iki asring digunakake kanggo tandruan pager, eyub-eyub lan uga dadi sumber pakan kéwan rajakaya kang wigati sawisé lamtoro (Leucaena leucocephala). Jeneng klérésédhé, utawa sliridia, liriksidia dumadi saka jeneng genus tuwuhan iki : Gliricidia.

 src=
Godhong kleresedhe
license
cc-by-sa-3.0
copyright
Penulis lan editor Wikipedia

ग्लिरिसीडिया (वृक्ष) ( Marathi )

provided by wikipedia emerging languages
 src=
Gliri sepi 081226-4794 F ipb

ग्लिरिसीडिया (उंदीरमारी, गिरिपुष्प, सारया झाड) हा जलद वाढणारा ठिसूळ खोड असलेला वृक्ष असून शेतात, कुंपणाला लागून, रस्त्याच्या दुतर्फा, भात-खाचरांच्या बांधांवर, मोकळ्या जागेत लावण्यासाठी योग्य असतो. त्याच्या बिया खाल्ल्यावर उंदीर मरतात, त्यामुळे त्यास उंदीरमारी म्हणतातत. ग्लिरिसीडियापासून सरपण मिळते. ग्लिरिसीडिया असलेल्या जमिनीत मोठ्या प्रमाणात नायट्रोजन स्थिर होऊन नापीक जमिनी सुधारतात.

ग्लिररिसीडिया झुडपापासून वाढतो. योग्यरीतीने वाढ नियंत्रित केल्यास हा वृक्ष ३० ते ३५ फूट उंच होतो. खोडाचा घेर एक फुटापर्यंत होऊ शकतो. भारतात सर्वत्र या वृक्षाची वाढ होऊ शकते. हलक्या तेमध्यम स्वरूपाच्या जमिनीत तसेच चुनखडीयुक्त जमिनीत याची वाढ होते. महाराष्ट्रात त्याची सर्वत्र लागवड होऊ शकते.

ग्लिरसीडियाची लागवड बियांपासून रोपे तयार करून केली जाते. छाट कलमे लावून देखील लागवड होऊ शकते. साधारणत: गरम पाण्यात बी टाकून रात्रभर तसेच ठेवून तसेच रोपण करतात. बियाणाची उगवण भरपूर प्रमाणात होते.चार-सहा महिन्यांची रोपे लागवडीसाठी योग्य असतात.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
विकिपीडियाचे लेखक आणि संपादक

ග්ලිරිසීඩියා සේපියම් ( Sinhalese )

provided by wikipedia emerging languages

ග්ලිරිසීඩියා සේපියම් (ඉංග්‍රීසි: Gliricidia sepium) එසේත් නැත්නම් සාමාන්‍ය ව්‍යවහාරයට අනුව ග්ලිරිසීඩියා යනු මීටර 10 ක් 12 ක් පමණ උසට වැවෙන ගසකි. ගිනිසීරියා, මකුලත, ලාඩප්පා, නන්චි, වැටහිරියා, වැටමාර, ඇල්බීසියා, සෙවන සහ කොළ පොහොර යන නම් ද මේ ගසට භාවිතා වේ.[2]

මූලාශ්‍ර

license
cc-by-sa-3.0
copyright
විකිපීඩියා කතුවරුන් සහ කතුවරුන්