dcsimg

Laurus nobilis ( Tagalo )

fornecido por wikipedia emerging languages

Para sa ibang gamit, tingnan ang laurel (paglilinaw).

Ang laurel[1] (Laurus nobilis, Lauraceae; Ingles: bay leaf[1] o bay laurel), na kilala rin bilang true laurel [literal na salin: tunay na laurel], sweet bay, Grecian laurel [laurel ng Gresya], o bay tree, ay isang mabango at laging-lunting puno o malaking palumpong na tumataas hanggang 10–18 m, at katutubo sa rehiyon ng Mediteranyo.

Humahaba ng 6 hanggang 12 cm ang mga dahon na may lapad namang 2 hanggang 4 cm. Katangian na ng mga dahong ito ang pagkakaroon ng mga paliku-liko at makulubot na mga gilid. May lalaki at babae ang mga bulaklak ng halamang ito, na tumutubo sa magkahiwalay na halaman. Mapusyaw na dilawang-lunti ang bawat bulaklak nito na may diyametrong 1 cm, na tumutubong magkapares katabi ng isang dahon. Maliit na maitim ang itsura ng bunga nito na may habang 1 cm, at naglalaman ng isang buto.

Mga talasanggunian

  1. 1.0 1.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Laurel, bay leaf". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

licença
cc-by-sa-3.0
direitos autorais
Mga may-akda at editor ng Wikipedia
original
visite a fonte
site do parceiro
wikipedia emerging languages

Laurus nobilis: Brief Summary ( Tagalo )

fornecido por wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang laurel (paglilinaw).

Ang laurel (Laurus nobilis, Lauraceae; Ingles: bay leaf o bay laurel), na kilala rin bilang true laurel [literal na salin: tunay na laurel], sweet bay, Grecian laurel [laurel ng Gresya], o bay tree, ay isang mabango at laging-lunting puno o malaking palumpong na tumataas hanggang 10–18 m, at katutubo sa rehiyon ng Mediteranyo.